Pagboto
Pagboto sa Hawaii
Eleksyon ng Hawaii
Ang Hawaii ay nagsasagawa ng eleksyon sa buong estado sa kahit na bilang na mga taon. Ang pangunahing eleksyon ay gaganapin sa ikalawang Sabado sa Augusto at ang pangkalahatang eleksyon ay gaganapin sa unang Martes pagkatapos ng unang Lunes sa Nobyembre.
Alinsunod sa Act 136, SLH 2019, ang mga eleksyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng mail. Lahat ng rehistradong botante ay automatic na makakatanggap ng kanilang balota sa mail humigit kumulang labing walo (18) araw bago mag eleksyon. Mga balota ay ipapadala sa mailing address na ibinigay ng botante ng botante ng pagpaparehistro, bisitahin Voter Registration
Pangunahing Eleksyon
Ang pangunahing eleksyon nag-nominate ng mga kandidato para ipresenta ang partidong pampulitika at pangkalahatang eleksyon.Katulad, kandidato na hindi kabilang sa partidong pulitikal ay manonominate sa pangkalahatang eleksyon sa pamamagitan ng pagtugon sa mga kwalipikasyon bilang isang nonpartisan na kandidato na tumatakbo sa partisan labanan.
Botante ng Hawaii ay hindi pagdedeklara ng kaakibat sa pulitika kasama ang rehistro ng botante alinsunod sa Hawaii State Constitution, pagtiyak ng lahat ng Karapatan lihim o secrecy ng botante. Sa Pangunahing eleksyon ng balota, botante ay dapat muna pumili ng kaakibat sa pulitika at pagkatapos bumoto ng kandidato ng kaakibat sa pulitika na tangi nilang pinili.
Mga Botante ay pwede din bumoto para sa kandidato para sa Office of Hawaiian Affairs at county contest hindi alintana sa pagkakaugnay sa partido.
Pangkalahatang Eleksyon
Ang pangkalahatang eleksyon ay labanan ng mga kandidato, ibig sabihin na ang mga botante ay maaaring bumoto ng kandidato na kanilang pinili hindi alintana ng kaakibat sa pulitika. Mga Botante ay pipili ng federal, state, county, at Office of Hawaiian Affairs kandidato, pati na rin ang State Constitutional Amendments at/o Charter Amendments.
Halalan sa Pagkapangulo
Ang Hawaii ay hindi nagsasagawa ng isang pangunahing pangulo. Ang partidong pampulitika malayang nagsasagawa ng presidensyal caucuses o pagpupulong ng mga sumusuporta, deretsang kontakin ang kwalipikadong partidong pampulitika. Ang Electoral College ang pumipili ng presidente at bise presidente ng Estados Unidos.
MAGPAREHISTRO PARA BUMOTO
Para magparehistro sa pagboto sa Estado ng Hawaii, ikaw ay dapat:
Isang U.S. Citizen
Isang residente ng Hawaii
Hindi bababa sa labing-anim (16) taong gulang.
Ang batas ng Hawaii ay nagpapahintulot ng mga kwalipikadong indibidwal na magparehistro ng maaga sa gulang na labing anim (16). Sa pag-abot ng labing-walong taon gulang (18), sila ay awtomatik na ma-rerehistro at ipapadala sa mail ang balota.
PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG MAIL
Panatilihin Current Ang Iyong Pagpaparehistro ng Botante
Ang mga Balota ay ipadadala sa iyong mailing address na kaugnay kasama sa iyong pagpaparehistro ng botante, Kung ikaw ay lumipat sa bagong tirahan, pinalitan ang mailing address o pangalan, kailangan mo na iupdate ang rehistro ng pagboto. Pwede mong icheck online o kontakin ang iyong County Elections Division para ikompirma na ang iyong record ng rehistro ay kasalukuyan.
Pagtanggap Ng Iyong Balota
Ikaw ay tatanggap ng pakete ng balota sa:
Ang iyong pakete ay binubuo ng balota, lihim ng balota, sleeve, sobre at bayad na selyo balik balota.
Mga botante na may espesyal na pangangailangan ay pwedeng humiling ng elektronik na balota sa pamamagitan ng Voter Registration Application o kontakin ang kanilang County Elections Division.
Pagbabalik ng Iyong Balota
Pwede mong ibalik ang iyong binotohang balota sa pamamagitan ng mail o personal sa itinalagang lugar ng pag deposito sa loob ng iyong county. Ang mga nabotohang balota ay dapat matanggap ng iyong County Elections Division ng 7:00 p.m. sa Araw ng Eleksyon
Pagsubaybay ng Iyong Balota
Pwede mong icheck ang katayuan ng iyong balota, kung ito ba namail na at/o natanggap, kontakin ang iyong County Elections Division.
Pagproseso ng Iyong Balota
Sa pagtanggap ng iyong balik sobre, ang iyong County Elections Division ang nagpapatunay ng iyong lagda para ikompirma ang iyong identity. Pagkatapos na patunayan ang iyong lagda, ang iyong balota ay ipadadala sa election officials para mabilang.
Pagboto ng Botante sa Service Center
Ang County Elections Divisions nagtatag ng sentro ng serbisyo na bubuksan 10 araw bago at sa Araw ng Eleksyon. Ang mga serbisyo kasama ang naa-access ng personal na pagboto at parehong araw na magrehistro.
Madalas Itanong ng mga Botante sa Hawaii
Paano Ako boboto?
Ikaw ay dapat na nakarehistro na botante para makatanggap ng balota. Pagkatapos, matatanggap mo ang iyong balota sa mail. Para bumoto, ireview ang mga tagubilin o instructions, contests, at kandidato sa iyong balota at gawin ang iyong mga pagpipilian. Pwede ka din mag iwan ng contest blank at hindi ito nakakaapekto sa iyong boto.
Pagkatapos bumoto, ifold ang balota at islip ito sa ballot secrecy sleeve. Ipasok ang balota secrecy sleeve sa iyong return sobre at siguraduhin na lagdaan. Ang iyong balota ay hindi mabibilangkung wala ang iyong lahda o signature sa return envelope.
Ibalik ang iyong Balota sa mail o ihulog sa lugar ng pag deposito. Ang Iyong binotohang balota dapat matanggap ng 7:00 pm ng Araw ng Eleksyon para mabilang.
Kailan ako makakaasa na matanggap ang aking balota?
Makakaasa ka na matatanggap ang iyong pakete ng mail balota sa:
Hulyo 26, 2022
Oktubre 21, 2022
Kung hindi, kontakin ang iyong County Elections Division at sila ay magiisue sa iyo ng kapalit na balota.
Paano kung hindi ko natanggap ang balota?
Kung hindi mo natanggap ang iyong balota, pakiusap na tawagan ang iyong County Elections Division at magiisue s aiyo ng kapalit na balota.
Paano kung nagkamali sa aking balota?
Kung nagkamali ka, namisplace, o nadamage ang iyong balota, pwede kang mag request para palitan ang balota sa iyong County Elections Division.
Ang boto ko ba ay mabibilang kahit na hindi ako bumoto sa lahat ng mga hakbang at/o kandidato?
Oo, ang iyong balota ay mabibilang pa rin.
Pwede ba akong magbagong isip pagkatapos kong ibalik ang balota?
Hindi, Sa sandaling binalik mo ang balota at natanggap ng County Elections Division, ito ay isinaalang alang na cast ito at hindi ka na makakatanggap ng bagong balota.
Bakit kailangan kong lagdaan ang sobre ng return ballot?
Ang iyong lagda sa return envelope ay magpapatunay sa opisyales ng eleksyon na ikaw ay isang botante. Ang lagda na iyong ibinigay sa return envelope ng balota ay pinatunayan laban sa lagda ng iyong file sa iyong record ng rehistro bilang botante. Kung hindi mo lalagdaan ang iyong return balota envelope, ang iyong balota ay hind bibilangin.
Paano ko matatanggap ang aking balota kung ako ay nasa bakasyon o ako ay nasa Kolehiyo na malayo?
Kung ikaw ay mawawala habang eleksyon pwede kang mag request na imail saiyo ang balota para sa alternate na address. Simpleng kumpletuhin ang absentee aplikasyon at ipaalam kung saan mo gustong imail ang iyong balota.
Pwede ba akong bumoto ng personal?
Oo, pwede kang bomoto in-person sa pagbisita ng anumang voter service centers sa iyong county. Senter ng serbisyo para sa mga botante ay bukas 10 araw hanggang Araw ng Eleksyon para sa in-person na pagboto, parehong araw ng rehistro at ang pagboto ay accessible.
Absentee Voting
Bawat isang botante ay awtomatik na makakatanggap ng kanilang balota sa mail ng:
Hulyo 26, 2022
Oktubre 21, 2022
Mga botante na malayo sa tirahan ng Hawaii habang eleksyon ay pwedeng magsumite ng Absentee Application para ang kanilang balota ay imail sa alternate o haliling address para sa pangunahing eleksyon, pangkalahatang eleksyon, o pareho.
Kumpletong aplikasyon ay dapat na isumite sa voter’s County Elections Division kahit na pito (7) araw bago mag eleksyon.
Ang Affidavit ng Absentee Aplikasyon ng Balota kasama ang pahayag para sa botante na mayroong espesyal na pangangailangan na humiling ng elektronik na balota ay i-email bawat eleksyon.
Deadline
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Absentee voting, kontakin ang iyong County Elections Division
Estudyante sa Kolehiyo
Kung ikaw ay residente ng Hawaii na umattend ng out-of- state college, at gusto mong bomoto sa eleksyon ng Hawaii, kinakailangan mong magsumite ng Absentee Application para mag request para sa iyong balota na imai sa kasalukuyan mong address. Kinakailangan mong magsumite ng Absentee Application bawat eleksyon kada taon na ikaw ay malayo sa iyong Hawaii residence.
Katulad, kung ikaw ay residente ng Hawaii na umattend ng college in-state, pwede kang mag submit ng Absentee Application para ipadala sa iyong campus address.
Absentee Application ay dapat matanggap ng iyong County Elections Division ng:
Agosto 3, 2024
Oktubre 29, 2024
Kung gusto mong magrequest para sa Voter Registration Certificate, or gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagboto, kontakin ang iyong County Elections Division.
Botante na Walang Bahay
Pagrerehistro para Bomoto
Ang rehistro ng Botante ay magagamit online, kaparte ng driver licenses at aplikasyon ng state ID kasama ng Department of Motor Vehicles (DMV), o kumpletuhin ang Voter Registration Application. Paper applications sa pamamagitan ng DMV at Voter Registration Application ay dapat isumite ng:
Hulyo 31, 2024
Oktubre 28, 2024
Ang County Elections Divisions nagbigay ng parehong araw ng rehistro at centers serbisyo para sa botante. Mga bagong botante ng Hawaii ay pwedeng magparehistro at bumoto ng personal.
Para sa layunin ng pagrerehistro na bumoto, walang address-na matching ang kinakailangan. Kung ikaw ay Hawaii Driver License o Hawaii State ID na may lumang address, ang ID ay tinatanggap pa rin, at pwede mong gamitin ang ID number para makumpleto ang aplikasyon para sa rehistro ng botante. Ang ID ay ginagamit para patunayan ang iyong identit hindi ang iyong tirahan o mailing address.
Ang iyong kailangan lamang na ibigay para sa karagdagang patunay ng identification kung lahat ng sumusunod ay naaangkop sa iyo: (1) ikaw ay magparehistro para bumoto sa unang pagkakataon sa State of Hawaii; (2) ikaw ay magpapadala sa mail ng iyong aplikasyon at; (3) hindi ka nakapagbigay ng Hawaii Driver License, Hawaii State ID, o Social Security Number sa aplikasyon.
Patunay ng Identification kasama ng Kopya ng:
- Isang kasalukuyang at wastong photo ID; o
- Isang kasalukuyang utility bill, bank statement, government check, paycheck, o anumang dokumento ng gobyerno na nagpapakita ng pangalan ng aplikante at address.
Isang address ng tinitirhan ay kailangan kung kumpletuhin ang Voter Registration Application para matukoy ang iyong distrito ng botohan. Ang address ay pwede din maidentify para sa lokasyon sa county na naglalarawan ng pisikal na lokasyon ng botante. Kung ang tirahan ng botante ay walang address ng kalye, ikaw ay pwedeng magbigay ng mga descriptor kasama cross streets o landmarks o palatandaan.
Pwede mong ipakita P.O. Box o kahalili mail service opsyonal, kasama ang pangkalahatang delivery, bilang iyong address sa aplikasyon.
Ang Hawaii ay nagbibigay ng parehong araw ng rehistro sa service centers para sa karapat-dapat na mamamayan na namiss ang tatlumpu (30) araw ng pagrehistro para bumoto.
English: Voting
Pagboto
Bilang nakarehistro na botante, ay makakatanggap ka ng balota sa mail ng:
Hulyo 23, 2024
Oktubre 18, 2024
Ang balota ay awtomatik na ipinadala sa iyong mailing address kasama ang rehistro ng botante.
Meron ka ring opsyon na ipadala ang iyong balota sa anumang voter service center sa loob ng iyong county. Ang in-person service ay magagamit ng lahat ng botante, at nagbibigay ng karagdagang parehong araw ng pagpaparehistro para sa mga namissed ang deadline ng pagpaparehistro. Ang mga Voters service centers ay bukas sampung (10) araw bago ang bawat eleksyon.
Botante na Militar/Nasa ibang Bansa
Ang mga Absentee Botante na Naka-Uniform at Overseas na Mamamayan (UOCAVA) nagtatatag ng mga probisyon para sa miyembro na absent na mga naka uniform at U.S. citizens na naninirahan sa ibang bansa para magparehistro at bumoto.
Sino ang mga UOCAVA Botante?
Miyembro ng Serbisyo Militar ng Estado Unidos
Mga Asawa at Umaasa na Miyembro ng Militar
U.S. citizens na nakatira sa ibang bansa ng pansamantala o pangmatagalan.
UOCAVA botante ay U.S. Citizens n nakatira sa labas ng U.S. (i.e., sa ibang bansa). Sila ay karapat-dapat na tumanggap ng balota galing sa state/county na kung saan sila hiling tumira bago sila lumipat sa iabng bansa. UOCAVA botante na ipinanganak sa labas ng Estado Unidos ay karapat-dapat na makatanggap ng balota galing sa state/county na kung saan ang kanilang magulang ay huling tumira bago lumipat sa ibang bansa.
UOCAVA botante ay pwedeng magparehistro para bumoto at humiling ng absentee balota sa pamamagitan ng pag kumpleto ng Federal Post Card Application (FPCA). Ang kumpletong FPCA ay dapat na matanggap ng County Elections Divisions ng:
Agosto 3, 2024
Oktubre 29, 2024
UOCAVA botante ay na nakapag parehistro ay pwedeng humiling para sa absentee balota sa pamamagitan ng pag kumpleto ng Federal Post Card Application (FPCA) at isumite ito sa County Elections Division ng hindi lalampas ng pito (7) araw bago mag eleksyon. UOCAVA botante ay dapat magsumite ng isang FPCA request para sa absentee balota bawat taon ng eleksyon
Ang mga Balota ay ipadadala apatnapung-lima (45) araw bago sa ang eleksyon alinsunod sa batas ng Federal. UOCAVA botante ay pwedeng humiling para makatanggap ng kanilang balota sa mail, o fax. Mga binotohang balota ay dapat matanggap ng County Elections Division ng 7:00 p.m. ng Araw ng Eleksyon.
Pwede mong subaybayan ang katayuan ng iyong balota sa pag-kontak ng County Elections Division.
Programa ng Federal sa Pagtulong sa Botante
Ang Programa ng Federal sa Pagtulong sa Botante (FVAP) ay tulong sa pagboto ng programa para sa miyembro at ng kanilang pamilya at mamamayan na nakatira sa ibang bansa.
Miyembro ng Militar at kanilang pamilya ay pwedeng kontakin ang kanilang Unit Voting Assistance Officer para sa karagdagang impormasyon tungkol sa botohan.
{insert VAO table}
Botante na Nangangailangan ng Tulong
Ang isang botante na nangangailangan ng tulong, sa dahilan ng kanyang kapansanan, biswal, kapansanan sa pandinig, o kawalan ng kakayahang magbasa o magsulat, ay pwedeng humiling ng tulong mula sa taong pinili nila maliban sa kanilang amo o ahente ng kanilang amo o unyon.
Pagpaparehistro ng Botante
Mga Indibidwal na tumutulong ay dapat umiwas sa implicit na diskriminasyon o pagsasanay sa pinipilit na rehistro ng botante. Pareho itong ipinagbabawal.
Mga indibidwal o organisasyon na tumutulong sa rehistro ng botante ay hindi maaaring kopyahin, isalin, o kundi gamitin ang anumang impormasyon na binigay ng botante sa aplikasyon ng rehistro. Ito ay labag sa batas para sa sinumang tao na gamitin, iprint, o ipamahagi ang impormasyon na direktang nakuha sa aplikasyon ng rehistro ng botante.
Pagboto sa Mail
Lahat ng rehistradong botante ay tatanggap ng pakete ng balota humigit kumulang labingwalo (18) araw bago mag eleksyon. Mga botante na may espesyal na pangangailangan ay pwedeng humiling para sa Alternate Format Ballot (AFB) sa kanilang County Elections Division. Ang AFB ay ipapadala sa mga botante sa elektronikong paraan sa sinumang nag download o kinopya at minarkaha nang kanilang balota ng pribado at malaya gamitin ang kanilang sariling pantulong teknolohiya.
Mga botante ay mayroong opsyon na ibalik ang binotohan na balota elektroniko sa kanilang County Elections Division o sa paggamit ng ibinalik na balota sa sobre na isinama sa kanilang pakete ng balota.
Botohan sa Sentro ng Serbisyo
Sentro ng serbisyo ng botante ay may gamit na naa-access na kagamitan para sa botohan. Mga botante ay maaaring gumamit ng naa-access na markadong kagamitan para sa pagboto, Verity Touch Write, bumoto sa kanilang balota at pagkatapos iprint at bumoto. Ang printed na balota ay kagaya din ng ginamit ng lahat ng botante maski na sa sentro serbisyo ng botante o sa mail.
Indibidwal na Nagbibigay ng Tulong sa Pagboto
Kung ang residente ng isang pasilidad ng pangangalaga ay humiling ng tulong sa personnel ng pasilidad sa pagpaparehistro para bumoto at iboto ang kanilang balota, ang mga sumusunod na alituntunin ay dapat na obserbahan para protektahan ang iyong karapatan sa pagboto.
Makipag-ugnayan sa mga miyembro ng pamilya upang masangkot sila sa proseso ng pagpaparehistro at pagboto.
Tiyakin na ang residente ay matugunan ang lahat ng kwalipikasyon para sa rehistro ng pagboto.
Kapag nagbibigay ng tulong sa pagboto, ang mga tauhan ay dapat na manatili na nonpartisan o hindi biased at present o nandoon dapat ang hindi bababa sa dalawang tao na magkaiba ang kaakibat sa pulitika.
Walang sinuman ang maaari na magtanong sa botante upang makita o tingnan ang kanilang balota o pagpili ng kaakibat sa pulitika.
Walang sinuman ang maaaring markahan ang balota ng isang tao o idirekta ang tao sa botohan ng walang awtorisasyon..
Ang subukang bumoto sa ngalan ng iba ng walang tiyak na awtorisasyon ay ilegal
Ang sumusunod na mga aksyon ay bumubuo ng botante at panloloko sa eleksyon:
Ang tao na direkta o hindi direktang mag-alok na magbigay ng mahalagang pagsasaalang-alang at/o pera sa kaninuman botante upang ibuyo na ang botante sa pagboto o umiwas sa pagboto para sa sinumang partikular na tao.
Ang tao na direkta o hindi direkta, personal, o sa pamamagitan ng isa pang tao, bantaan, pilitin o takutin ang isang botante para umiwas sa pagboto, o bumoto para sa sinumang partikular na tao o partido ng anumang halalan
Ang tao na bumoto o nagtangka na bumoto sa pangalan ng sinumang tao, buhay o patay, o sa ilan na kathang isip na pangalan.
Ang tao na bumoto na at nagtangka na bumoto ulit kahit siya ay may kaalaman na.
Ang tao na may kaalaman na magbigay o magtangka na magbigay higit sa isang balota para sa parehong opisina at parehong oras.
Alinsunod sa batas ng Hawaii, sinumang tao na may kaalamang magbigay ng maling impormasyon sa aplikasyon ng rehistro ng botante o aplikasyon ng absentee ay maaaring may kasalanan ng Class C Felony o malaking Krimen, na may kaparusahan ng pagkakulong hanggang 5 taon at/o $10,000 muta.
Botante na may Hatol na Felony 0 Malaking Krimen
Ang botante na nasentensyahan ng Felony o malaking krimen, mula sa oras ng huling paglabas ng kanyang sentensya, baka hindi makaboto sa eleksyon. Gayunpaman, kung ang isang tao ay inilagay sa probasyon o ang tao ay pinalaya na may kondisyon pagkatapos na mangako sa pagkakulong, ang tao ay pwedeng magparehistro at bumoto habang ang mahabang panahon ng probasyon o parole.
Para sa kumpletong impormasyon, pakiusap na sumangguni sa Konstitusyon ng Estado ng Hawaii Artikulo II, Seksyon 2, at HRS §831-2
Voting Information Guide for individuals on probation or pretrial detainees
Sino ang karapat-dapat na bumoto?
Para magparehistro na bumoto, ang tao ay dapat na U.S. citizen, residente ng Hawaii, at hindi bababa sa 18 taong gulang. Hindi U.S. Citizens, kasama ang mga U.S. National, ay hindi karapat-dapat.
Paano ang epekto ng karapatang mahirang sa tungkulin ng pagkabilanggo?
Ang indibidwal ay hindi maaaring bumoto kung ang sentensya ay tungkol sa malaking krimen, mula sa oras ng kanilang sentensya hanggang sa kanilang huling paglabas. (HRS §445-112).
Ang indibidwal na pinanatili ang kanilang rehistro at boto sa panahon bago ang paglilitis, probasyon, at o parole.
Ang karapatan ba ng pagboto ay awtomatikong maibabalik?
Ang karapatan ng pagboto ng idibidwal ay maibabalik pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang sentensya ng paghatol para sa malaking krime. Ito ay hindi ibig sabihin na ang tao ay awtomatikong nakarehistro para bumoto.
Ang mga nakatapos nang magsilbi sa kanilang sentensiya ng krimen ay may pananagutan sa pagpaparehistro para bumoto sa pamamagitan ng normal na proseso ng pagpaparehistro ng botante.
Kung paano magrehistro?
Aplikasyon ng Rehistro ng Botante: Imail ang kumpletong Aplikasyon ng Rehistro ng Pagboto sa County Elections Division. Aplikante na walang identipikasyon na inilabas ng state ay pwedeng magperehistro na bumoto sa pagbibigay ng huling 4 na numero ng kanilang Social Security Number kapag kumpletuhin ang aplikasyon.
Sistema ng Rehistro ng Botante sa Online: Kung ang aplikante ay mayroong Hawaii Driver License o Hawaii State ID, na pwedeng magparehistro para bumoto sa elections.hawaii.gov.
Mga Aplikante ay dapat magbigay ng kanilang personal na tirahan at mailing address, hindi ang address ng pasilidad, kung magkukumpleto ng aplikasyon ng pagrerehistro.Ang address ng residente ay ginagamit para matuloy ang distrito ng indibidwal para bumoto
Paano makakakuha at kumpletuhin ang absentee balota?
Ang botante ay pwedeng humiling ng absentee balota para tumanggap ang kanilang balota habang wala sila sa regular ng mailing address.
Para mag request ng absentee balota, ang indibidwal ay dapat na nakarehistro para bumoto. Ang kahilingan para sa absentee balota ay hindi iproproseso king aplikante ay hindi nakarehistro para bumoto.
Isumite ang Aplikasyon ng Absentee Balota sa County Elections Division hindi lalampas ng 7 araw bago ang Araw ng Eleksyon
Ang Absentee Balota na hiniling ay magagamit lamang para sa isang cycle ng eleksyon, samakatuwid, ang botante ay dapat magsumite ng Aplikasyon ng Absentee Balota para sa bawat eleksyon na hindi sila makakatanggap ng mail sa kanilang regular mailing address.
Ang mga botante ay tatanggap ng kanilang balota ng hindi lalampas ng 18 araw bago ang araw ng eleksyon at madali nilang ma maibalik ang kanilang balota gamit ang praddressed na balik sobre at bayad na selyo.
Eleksyon ng Dibisyon ng County
Ang County Elections Division ay humahawak ng rehistro ng botante; mailing at resibo ng balota; kasama ng kapalit ng mga balota; pati na rin ang sentro ng serbisyo ng botante at lugar ng pag deposito.
{insert county info table}
Siguridad ng Eleksyon – Mga Madalas Itanong na mga Katanungan
Rehistro Ng Botante
Paano ng Estado napapanatili ang aking pagkakaugnay ng aking pulitikong partido na secreto?
Base sa Konstitusyon ng Estado ng Hawaii, ang iyong pulitikong partido ay hindi parte ng iyong rehistro ng iyong balota. Kung ang botante humiling na magenrol kasama ang politiko na partido, pwede sila sa pamamagitan ng partido indibidwal, na hindi pinamamahalaan ng Estado. Pagkakaugnay sa Pulitikong partido ay hindi kailangan na bumoto sa estado ng pangunahin at pangkalahatan ng eleksyon, pero ito ay maaaring kailanganin upang lumahok sa partido na tumatakbo para sa pampanguluhang primarya.
Maaari ba na ang isang tao ay ikansela ang rehistro ng aking balota ng hindi ko nalalaman?
Para ikansela ang rehistro ng iyong balota, ang “Affidavit for Cancellation of Voter Record” ay dapat lagdaan at isumite sa County Elections Division ng botante. Ang tanging paraan na ang isang tao ay pwedeng ikansela ang rehistro ng isa pang botante ay kung ang taong iyon ay namatay, na kinakailangan din ang isang affidavit na may lagda. Pag-sumite ng maling affidavit ay maaaring magresulta sa isang Class C Felony o malaking krimen.
Kung hindi ako bumoto ng huling eleksyon makakansela ba ang rehistro ng aking boto?
Kung ikaw man ay lumahok sa eleksyon o hindi, ang iyong rehistro ay hindi makakansela, hanggat ito ay nananatiling up to date, alinsunod sa National Voter Registration Act of 1993. Kung ikaw ay napatunayan na mayroon kaduda-duda na address o kung inabisuhan kami na ikaw ay lumipat sa labas ng estado, ipadadala namin sa iyo ang card na humihiling na iupdate ang iyong rehistro. Pagkatapos lamang na ipaalam sa iyo na iupdate ang iyong rehistro at ito ay hindi mo nagawa sa dalawang magkasunod na eleksyon cycles, ang iyong record ay tatanggalin sa database. Ito ay alinsunod sa National Voter Registration Act.
Pwede ba na alisin ng partido pulitika ang naka rehistro na botante sa Statewide database?
Ang State County Election Officials lamang ang merong access sa statewide voter registration database. Ang mga partido ng Pulitika at mga kandidato ay pwedeng humiling ng impormasyon ng botante, pero wala silang direktong access sa database na ito.
Pagpapadala/Tumatanggap ng Balota
Paano ko malalaman kung ang aking balota say naimail na sa akin, o natanggap na ng county?
Pwede mong subaybayan ang iyong balota online sa resibo ng aming balota portal o pasukan sa pamamagitan ng pag-logging ng iyong Hawaii Driver License o State ID. Itong Portal ay magsasabi kung kailan ipinadala sa iyo at kailan ito natanggap ng county.
Paano kung ang aking balota ay ninakaw sa aking mailbox?
Ang pakikialam sa sulat ng may sulat ay Krimen sa Federal. Kung naniniwala ka na ang iyong balota ay ninakaw, kontakin ang iyong County Elections Division para icheck ang katayuan ng iyong balota at humiling ng kahalili na balota. Bilang kahalili, pwede kang bumoto ng personal sa voter service center.
Ano ang dapat kong gawin kung nakatanggap ako ng balota na hindi addressed para sa akin.
Pagpupuno ng balota ng ibang botante ay panloloko na maaaring magresulta sa Class C Felony o malaking krimen. Kung nakatanggap ka ng balota para sa ibang tao na hindi nakatira sa iyong address, sumulat “ hindi sa address na ito” at ibalik para imail.
Pwede ba na iba ang magpadala ng aking balota?
Ang lahat ng balota ay meron kasamang sobre na may bayad na selyo at pwede ibalik sa maibox para ma pickup ng postal service. Pwede din itong ihulog sa voter service center o drop box. Kung hindi mo maibalik ang iyong balota dahil sa kapansanan o sakit, pwede mong italaga ang isang tao para pick-apin at ideliver ang iyong balota. Tiyakin na ang sobre ng iyong balota ay selyado at may lagda bago ibalik.
Kung ang isang tao ay bumoto ng personal sa voter service center, paano mo malalaman na hindi nila sinend sa mail balota at bumoto ng dalawang beses?
Bawat balota ay naglalaman ng barcode na kakaiba sa botante, para maiwasan ng botante na bumoto ng higit sa isang beses. Kung ang mail balota ng botante ay natanggap na at na-scanned, hindi sila papayagan na bumoto ng personal kung sila ay bumoto na sa voter service center. Gayundin, kung ang isang tao ay bumoto ng personal sa voter service center, ang kanilang balota ay makakansela.
Paano mo malalaman kung ang aking balota ay na kumpleto na at ako ang nag sumite?
Pag natanggap ang mga balota, ang lagda sa labas ng iyong return envelope o sobre ay iiscanned ng County Election Officials. Itong lagda ay i-tutugma sa lagda sa file ng iyong record ng rehistro ng iyong pagboto. Kung ito ay tumugma, ang iyong balota ay napatunayan at ipadadala para mabilang.
Anong mangyayari kung ang isang tao ang lumagda sa envelope ng bumalik na balota na hindi kanila?
Ang Lumagda sa bumalik na balota ng ibang botante ay pandaraya, na maaaring magresulta sa isang Class C Felony o isang mabigat na kasalanan. Anumang lagda na hindi nagtutugma at hindi kumpirmado ng botante ay maaaring ipakita na ito ay pandaraya ng botante at maaaring tumindi sa wastong awtoridad. Bukod pa rito, mga botante ay pwedeng ireport ang mga pangyayari na maaaring pandaraya ng botante para imbestigahan ng isang ahensya ng tagapagpatupad ng batas.
Pagproproseso ng mga Binotohang Balota
Paan mo mapapanatili ang lihim ng aking pagboto kung ang aking pangalan at lagda ay nasa sobre na naglalaman ng aking balota?
Ang mga Balota ay bukas sa maraming hakbang na proseso para matiyak ang lihim ng mga bumoto. Una, ang mga bumalik na sobre ay binuksan at ang lihim ng balota sleeves ay binunot palabas ng sobre. Ang balota lihim sleeves ay tinipon at hiniwalay sa mga sobre. Pag ang mga sobre any nabuksan, ito ay iaalis sa lugar ng trabaho. Kasunod, ang mga balota ay aalisin sa balota secrecy sleeves at iipunin para iproseso. Mga Balota at secrecy sleeves ay walang anumang personal na identipikasyong impormasyon tungkol sa kanila at, habang sila ay inihihiwalaysa return na sobre, walang paraan na ang identipikasyon ng botante ay konektado sa tiyak na balota.
Paano mo titiyakin na ang mga opisyal ay hindi itatapon ang balota?
Ang mga Balota ay laging dinadala at pinoproseso sa harapan ng mga Opisyal na Tagamasid. Mga Opisyal na Tagamasid ay naglilingkod bilang mga “mata at tainga” ng publiko at sinusubaybayan na ang mga opisyal ng eleksyon ay mapapanatili ang siguridad at integridad ng eleksyon.
Paano mo itatala ang mga resulta at paano mo natutukoy na ang resulta ay tumpak?
Bago ang bawat eleksyon, lahat kagamitan para sa botohan na ginagamit para bilangin ang mga balota at i-tabulate ang resulta ay sinubok ng opisyal ng eleksyon at Opisyal na Tagamasid. Ang katumpakan ng mga kagamitan ay napatunayan sa pamamagitan ng pagsusuri laban sa hand-counts o pagbibilang gamit ang kamay at ito ay ligtas na may tamper evident seals. Bukod pa dito, ang unang grupo ng binilang na balota ay inodit o audit sa pamamagitan ng pagbibilang gamit ang kamay para makakuha ulit ng patunay na ang gamit ay gumagana ng maayos. Pagkatapos ng eleksyon, isa pang audit ang ginagawa gamit ang random
sampol na hindi bababa ng 10% ng presinto.
Ang kagamitan sa pagboto ay ligtas? Pwede ba itong ma-hacked?
Bago ang bawat eleksyon, lahat ng kagamitan sa pagboto na ginagamit sa voter service centers para sa personal na pag-boto ay sinubok sa pamamagitan ng opisyal ng eleksyon at Opisyal na tagamasid. Ang katumpakan ng kagamitan ay napatunayan sa pamamagitan ng pagsusuri laban sa hand-counts o pagbibilang gamit ang kamay at ito ay secured na may tamper evident seals. Itong kagamitang ito ay hindi konektado sa Internet.
Karagdagang Katanungan?
Kontakin ang Office ng Eleksyon o ang iyong County Elections Divisions.
Pansamantalang Bagboto
Ang Help America Vote Act ng 2002 (HAVA) nagtatatag ng karapatan para sa botante upang magbigay ng probisyonal na balota:
- Ang pangalan ng botante ay hindi lilitaw sa opisyal na listahan ng mga nagpa rehistro na botante; o Isang Opisyal ng halalan ay igiit na ang botante ay hindi karapat-dapat na bumoto.
- Isang Opisyal ng Halalan iginiit na ang botante aay hindi karapat-dapat bumoto.
Fail-safe na Butohan
Ang Fail-safe botante ay ang taong unang beses pa lang na bumoto na ipinadala sa mail ang aplikasyon para magrehisto bilang botante at hindi nakapagbigay ang kinakailangang HAVA identification alinman sa oras ng pagpaparehistro, o kung kailan ibabalik ang nabotohang absentee balota.
Casting ng Pansamantalang Balota
Bago sa casting ng pansamantalang balota, ang botante ay dapat lumagda ng isang paninindigan na nagsasaad na ang indibidwal ay:
Ang rehistradong botante na nasa hurisdiksyon na kung saan ang indibidwal ay may hangaring bomoto; at
Karapat-dapat na bomoto sa eleksyon na yan
Pansamantalang balota ay magkahiwalay na itinabi, pagkatapos binoto, galing sa ibang balota hanggang pagkatapos ng eleksyon. Ang mga opisyal ng eleksyon ng County ay dapat munang matukoy kung ang botante ay karapat-dapat na bumoto at kung ang kanilang balota ay mabibilang.
Ang botante ay nakakapag-verify kung ang balota ay nabibilang o hindi, at ang rason kung bakit hindi ito nabilang sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang County Eleksyon Division o Office of Election website.
Para sa kumpletong impormasyon, pakiusap na sumangguni sa HAVA, Title III, Sections 302 & 303.
Iskedyul ng Halalan
2024 Iskedyul ng Halalan
Opisina | Upuan | Hurisdiksyon | Termino ng Panunungkulan |
---|---|---|---|
Pederal | |||
U.S. President at Vice President | 1 bawat opisina | Estado ng Hawaii | 4 taon |
Senado ng U.S | 1 | Estado ng Hawaii | 6 taon |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S | 2 | I & II | 2 taon |
Estado | |||
Senado ng Estado | 12 | 1, 3, 4, 6, 7, 12, 16, 18, 19, 22, 23, 24 | 4 taon |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estado | 51 | 1 - 51 | 2 taon |
Tanggapan ng Hawaiian Affairs Trustee | 4 | At-Large Resident ti Hawaii Resident ti Molokai Resident ti Kauai | 4 years |
County ng Hawaii | |||
Mayor | 1 | County ng Hawaii | 4 taon |
Nag-uusig na Abugado | 1 | County ng Hawaii | 4 taon |
Miyembro ng konseho | 9 | 1 - 9 | 2 taon |
County ng Maui | |||
Miyembro ng konseho | 9 | East Maui West Maui Wailuku-Waihee-Waikapu Kahului South Maui Makawao-Haiku-Paia Upcountry Lanai Molokai | 2 taon |
County ng Kauai | |||
Nag-uusig na Abugado | 1 | County ng Kauai | 4 taon |
Miyembro ng konseho | 7 | County ng Kauai | 2 taon |
Syudad at Bayan ng Honolulu | |||
Mayor | 1 | Syudad at Bayan ng Honolulu | 4 taon |
Nag-uusig na Abugado | 1 | Syudad at Bayan ng Honolulu | 4 taon |
Miyembro ng konseho | 5 | I, III, V, VII, IX | 4 taon |
2026 Iskedyul ng Halalan
Opisina | Upuan | Hurisdiksyon | Termino ng Panunungkulan |
---|---|---|---|
Pederal | |||
Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S | 2 | I & II | 2 taon |
Estado | |||
Gobernador at Tenyente Gobernador | 1 bawat opisina | Estado ng Hawaii | 4 taon |
Senado ng Estado | 13 | 2, 5, 8, 9, 10, 11, 13, 14, 15, 17, 20, 21, 25 | 4 taon |
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estado | 51 | 1 - 51 | 2 taon |
Tanggapan ng Hawaiian Affairs Trustee | 5 | At-Large (3 seats) residente ng Maui residente ng Oahu | 4 taon |
Bayan ng Hawaii /strong> | |||
Miyembro ng konseho | 9 | 1 - 9 | 2 taon |
Bayan ng Maui | |||
Mayor | 1 | County ng Maui | 4 taon |
Miyembro ng konseho | 9 | East Maui West Maui Wailuku-Waihee-Waikapu Kahului South Maui Makawao-Haiku-Paia Upcountry Lanai Molokai | 2 taon |
Bayan ng Kauai | |||
Mayor | 1 | County ng Kauai | 4 taon |
Miyembro ng konseho | 7 | County ng Kauai | 2 taon |
Syudad at Bayan ng Honolulu | |||
Miyembro ng konseho | 4 | II, IV, VI, VIII | 4 taon |