Pagpaparehistro
Mga Aplikasyon
Ang Aplikasyon Rehistro ng Botante ay maaaring magamit para sa isang beses na rehistro, pagpalit ng pangalan, pagpalit ng address, at pag-update ng lagda.
Mga Tagubilin:
1. Iprint ang Aplikasyon ng Rehistro ng Botante
2. Kumpletuhin ang aplikasyon at lagdaan ang pahayag ng pagpapatibay.
3. Isumite ang kumpletong aplikasyon sa iyong County Elections Division.
Ang Papel na Aplikasyon ng Rehistro ng Botante ay dapat isumite sa iyong County Elections Divisions
Pangunahing Halalan: Hulyo 31, 2024
Pangkalahatang Halalan: Oktubre 28, 2024
Ang Botante ay pwedeng magparehistro anumang oras gamit ang Online Voter Registration System o personal sa voter service center.
Pagrerehistro ng Online Botante:
Para magparehistro online, bisitahin olvr.hawaii.gov. kinakailangan mo ang iyong Hawaii Driver License or Hawaii State ID, at iyong Social Security Number.
Awtomatik na Rehistro ng Botante sa Pamamagitan ng DMV:
Mga Aplikante ay pwedeng magparehistro ng aplikasyon para bumoto sa Department of Motor Vehicles kapag kumpleto ang driver license o State ID. Kung ang aplikante ay nakarehistro na para bumoto, ang impormasyong ibinigay ay automatikong gagamitin para iupdate ang kanilang pangalan at/o address maliban kung ang aplikante ay tumanggi.
Ang rehistro ng botante ay kasama din kung mag-apply para makatanggap ng tulong ng pampubliko kasama ang programa ng Department of Health of Human Services.
Ang mga Aplikasyon ay makikita din sa mga sumusunod na lokasyon:
Mga Tanggapan ng koreo ng U.S
Mga Aklatan ng Estado
Mga Satellite City Hall
Karamihan na State Agencies
Mga Dibisyon ng Halalan ng County
Tanggapan ng Halalan
Mga naka-uniporme at mga mamamayan na nasa ibang bansa na ang huling address ng tirahan ay Hawaii ay pwedeng magparehistro para bumoto at sabay na humiling ng kanilang balota na ipapadala sa mail sa kanilang kasalukuyang address sa pamamagitan ng pagkompleto ng Aplikasyon ng Federal Post Card (FPCA). Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Military at Overseas Voting.
Kung hindi mo naabutan ang dedlayn ng pagrehistro, parehong araw ay pwede kang magrehistro ng iyong boto sa serbisyo ng botohan centers, para mag register at bumoto ng personal, simula 10 araw bago at sa pamamagitan ng araw ng eleksyon. Kapag ikaw ay nakapag rehistro na, hindi mo na kailangan na muling magparehistro para sa isa pang eleksyon maliban kung ang iyong impormasyon – address ng tirahan, mailing address, o pagbabago ng pangalan.
Ang taong alamna nagbibigay siya ng maling impormasyon sa rehistro ng affidavit o sinumpaang pahayag ng botante ay maaaring may kasalanan ng Class C felony, ay mapaparusahan ng hanggang lima (5) taong pagkakakulong at/o $10,000 bayad bilang multa. HRS § 19-3.5
Mga Kwalipikasyon
Bawat nakarehistrong botante sa Hawaii ay awtomatikong matatanggap ang kanilang ballot sa mail humigit kumulang ng labing walong (18) araw bago ang bawat halalan.
Upang magparehistro para bumoto sa Hawaii, ikaw ay dapat na:
Isang U.S. Citizen – Hindi Kuwalipikado ang Hindi U.S. citizens, pati na ang U.S. nationals.
Isang Residente Ng Estado Ng Hawaii
Isang residente ng State of Hawaii na naninirahan ay hindi maaaring dahil lang na ang aplikante ay nandito sa state, ngunit ang kanilang paninirahan ng kailangan at may layuning legal na manirahan sa Hawaii kasama ang lahat ng obligation sa loob ng paninirahan dito.
Hindi bababa ng labing walong (18) gulang ang edad
Ang batas ng Hawaii ay pinapayagan na karapat-dapat na indibidwal na magparehistro ng maaga sa edad na 16 taong gulang at sa pag-abot ng 18 taong gulang ay sistematikong magparehistro para bumoto at imail ang balota.
Pwede kang mag-apply na magparehistro para bumoto sa pamamagitan ng pag kumpleto ng Voter Registration Application o sa online kasama ang Hawaii Driver License o Hawaii State ID. Ang kumpletong aplikasyon ay dapat na isumite sa iyong County Elections Division.
IUpdate ang Iyong Rehistro
Kailangan mong iupdate ang iyong rehistro kung ikaw ay magpapalit ng pangalan, tirahan o mailing address. Maaari kang mag-update ng iyong rehistro sa online sa pamamagitan ng pag-kumpleto ng Voter Registration Application at isumite ito sa iyong County Elections Division.
Automatic Kong Pag Update ng Pagpaparehistro ng Botante sa pamamagitan ng DMV:
Para sa naka rehistro na botante na kumpleto ang driver license o State ID card sa Department of Motor Vehicle (DMV), ang impormasyong ibinigay ay automatik na gagamitin para iupdate ang kanilang pangalan at/o address para sa layunin ng rehistro ng botante, maliban kung ang aplikante ay tumanggi.
Kanselahin ang iyong Rehistro
Kung gusto mong kanselahin ang rehistro ng iyong pagboto, pakiusap na kontakin ang iyong County Elections Division.
Parehong Araw ng Pagpaparehistro
Ang County Elections Division ay nagbigay ng parehong araw na magparehistro sa serbisyo ng botante sa centers. Ang bagong Hawaii botante ay pwedeng magparehistro at bumoto ng personal.
Mga Madalas na Tanong ng Nagpapa Rehistro Ng Botante
Paano ko ichecheck kung Ako ay naka rehistro para bumoto?
Pwede mong iverify ang iyong rehistro bilang botante sa online sa pagbibigay ng Hawaii Driver License o Hawaii State ID, at ang huling apat na numero ng iyong Social Security Number. Maaari mo rin kaming kontakin sa 808-453 VOTE (8683). Ang mga Neighbor Islands ay pwedeng tumawag toll free sa (800) 442-VOTE (8683). Pakiusap na maghanda na ibigay ang pangalan, address ng tirahan, at araw ng kapanganakan para ma-verify ang iyong status.
Kailangan ko bang magparehistro bago ang bawat eleksyon?
Hindi, kung minsan ka ng nag parehistro, hindi mo na kailangan muling mag register para sa bawat eleksyon. Ang pagpaparehistro ay kinakailangan lamang kung ikaw ay lumipat o legal mong pinalitan ang iyong pangalan.
Lumipat ako kamakailan lang, kailangan ko bang mag update ng aking rehistro?
Oo, dapat mo na iupdate ang iyong rehistro kuOng ikaw ay lumipat o legal mong pinalitan ang iyong pangalan. Lahat ng rehistro ng mga botante ay makakatanggap ng pakete ng balota sa kanilang mailing, kaya ang iyong rehistro ay importanteng na ang ii update. Pwede mong iupdate ang iyong rehistro online, o isubmit ang Voter Registration Application.
Paano ako makakakuha ng dokumento na nagpapatunay na ako ay Isang rehistrado na bumoto sa Hawaii?
Para makuha ang certificate ng iyong rehistro, kontakin ang County Elections Division kung saan ikaw ay naka rehistro ng bumoto.
Ako ay 16 taong gulang, pwede ba akong magparehistro para bumoto?
Ang batas ng State ay nagpapahintulot para maagang magparehistro ng 16 taong gulang, pero ikaw ay dapat na 18 taong gulang sa araw ng araw ng eleksyon para bumoto.
Aabisuhan ba ako pagkatapos akong magparehistro?
Padadalhan ka ng notification postcard sa mail para mapatunayan ang katayuan ng iyong rehistro bago mageleksyon.
Pwede ba akong bumoto sa online?
Oo, pwede kang magparehistro online sa olvt.hawaii.gov. Ang Hawaii Driver License o Hawaii State ID ay kailangan para ma-access sistema ng online. Kung wala kang alinman form ng ID, pwede mong kumpletuhin ang Voter Registration Application at isumite ito sa iyong County Elections Division.
Pangunahing Eleksyon: Augusto 1-13, 2022 (hindi kasama ang Linggo)
Pangkalahatang Eleksyon: Oktubre 25 – Nobyembre 8, 2022 (hindi kasama ang Linggo)
Ay ang pagrehistro sa sistema ng online ay ligtas?
Oo. Ang sistema ng online sa pagrehistro ng botante ay nanatili sa Hawaii State Government Private Cloud, na pinamamahalaan sa pamamagitan ng Office of Information Management and Technology.
Ang Operasyon ng Pagrerehistro Botante
Salamat sa iyong pagsisikap para madagdagan ang partisipasyon sa proseso ng electoral sa pamamagitan ng pagtulong sa pag rehistro bilang botante sa Hawaii.
Ang sumusunod na mga alituntunin na isaisip na sa iyong pagtulong sa nagpapa rehistro ng botante:
Siguraduhin na ituro ang mga kwalipikasyon sa pagboto.
Siguraduhin mo na ang aplikasyon ng pagpaparehistro ay ganap na kumpleto. Ito ay mahalaga na mayroong kumpletong address ng tirahan o pisikal na paglalarawan kung saan ang botante nakatira para sa county officials para ilagay ang botante sa nararapat na presinto para bumoto.
Kung aplikante ay walang Hawaii Driver License o Hawaii State ID, kailangan nilang ibigay ang huling apat ng numero ng kanilang Social Security Number. Kung wala silang SSN, kinakailangan ng aplikante markahan na wala silang ID at ang kanilang County Election Division ay nagbibigay ng ID ng botante na iuugnay kasama ang kanilang record ng rehistro bilang botante.
Humihiling ng mga Materyales
Para humiling ng printed aplikasyon, pakiusap na iclick dito kumpletuhin ang Request form o kontakin ang Office of Elections sa (808) 453-VOTE (8683) o iemail elections.hawaii.gov.
Isang daan maximum ng 100 aplikasyon ng bawat isa ay pwedeng hilingin kada tatlumpung (30) araw muka sa petsa ng kahilingan.
Pag Doble Rehistro ng Aplikasyon ng Botante
Meron kang opsyon na iphotocopy ang aplikasyon na blangko ng rehistro ng botante para ipamahagi.Ang mga aplikasyon ay kinakailangan na photocopied sa kabuuan nito, kasama lahat ng mga tagubilin. Kapag nagsusumite ng aplikasyon sa County Elections Divisions, ang lagda ng aplikante ay dapat na orihinal.
Mga Pagtutukoy ng Pagpriprinta
Kinakailangan dapat na 1:1 reproduksiyon ng aplikasyon
Mga Panels ay dapat 8.5” x 11
Hindi dapat naglalaman ng glossy finish o makintab
Hindi dapat muling ginawa sa kualidad newsprint papel.
Dapat na printed sa putting 20 ang bigat bond papel o mas mabigat; 70lb. text white wove offset mas gusto.
Para sa kumpletong Impormasyon sa printing at kopyahin ang aplikasyon, pakiusap na sumangguni sa HAR §§3-172-23 at 3-174-5.
{insert Applications table}
Pag-susumite Ng Mga Aplikasyon
Nirere Komenda naming na ang mga nag parehistro ay magsumite ng kanilang na kumpleto ng aplikasyon direkta sa kanilang County Elections Division. Kung ang iyong grupo may plano na magsumite ng kumpletong aplikasyon sa ngalan ng pagpaparehistro, pakiusap na isumite nila direkta sa kanya-kanyang County Elections Division.