Mga mapagkukunan
Regulasyon ng Sign ng Kampanya
Ang State Highway ay hindi pwede na magpamahagi ng walang permit
Walang tao o ahensya ng gobyerno, kung federal, sate o county, dapat, sa paraan o layunin gumawa anuman sa sumusunod na aksyon ng walang kasulatan ng pahintulot galing sa director ng transportasyon o sa representaryo ng director na nagbigay ng awtorisasyon: lugar, magtayo, umalis, o mag-imbak ng anumang istraktura, motor o iba pa na kagamitan sa sasakyan, o anumang iba pang mga bagay buo o bahagya sa loob ng right-of-wa ng anumang state highway; sa kondisyon na ang paragraph na ito ay hindi lapat sa paghawak o pagpapakita ng mga movable sign, para sa layunin na pagdala ng mga aktibidad ng politiko. (HRS§831-2 . §831-2
Kontrol ng Outdoor Advertising
Walang tao na pwedeng magtayo o mapanatili anumang outdoor advertising sa labas ng right of way boundary at nakikita sa main-traveled way ng anumang federal-aid o state highway sa loob ng State, maliban sa mga:sumusunod:
Direksyon at iba pang sign at paunawa
Mga Signs, displays, at mga device na nag-aadvertise ng pagbebenta o pagpapaupa ng ari-arian kung saan sila ay matatagpuan;
Mga Signs, displays, at mga device nag-aadvertise ng mga aktibidad na isinasagawa sa ari-arian kung saan sila ay matatagpuan; at
Mga Signs ayon sa batas na umiiral ng Oktubre 22, 1965 na nadetermina bilang landmark signs (HRS §264-72).
Saan at Kailan Pinahihintulutan
Signs na nag-uudyok ng mga botante na bumoto sa o labag sa sinumang tao o isyu, ay maaaring magtayo, panatilihin, at gamitin, maliban kung saan ito labag sa o bawal ng batas (HRS §445-112).
Ang unang bersyon ng batas na ito na ipinagbabawal ang pa-posting ng mga ganyang signs mahigit kumulang apatnapung-lima (45) araw bago ang election. Gayunpaman, ito ay itinuturing na labag sa Konstitusyon at hindi ipinapatupad ng Attorney General. Tulad nito, ito ay pagkatapos iwasto sa kasalukuyang katayuan na kung saan walang pagbabawal. Att. Gen. Op. 96-4 & Act 194 SLH 2003.
Mga Regulasyon sa pamamagitan ng Counties
Maliban sa outdoor na mga devise sa pag-advertise na pinahintulutan sa ilalim ng section 445-112 (16) at (17), ang ilan sa mga counties ay maaaring magpatibay ng mga ordinansa na ipinaguutos na ang mga billboards at outdoor na mga devise sa pag advertise na hindi ipinagbabawal ng section 445-111 tp 445-121.
Mga Pagtutol sa Eleksyon
Ang kandidato, kuwalipikado na partidong pampulitika, o tatlumpung (30) botante ng isang distrito ng eleksyon ay pwedeng magsampa ng reklamo kasama ang clerk ng Korte Suprema. Ang reklamo ay dapat na maglahad ng dahilan na maaring magdulot ng pagkakaiba sa mga resulta ng eleksyon
Deadline ng Pagsasampa
Pangunahing Halalan: Agosto 23, 2024
Pangkalahatang Halalan: Nobyembre 25, 2024
Ang lahat ng pagtutol ay dapat isampa sa kasulatan kasama ang Clerk ng Korte Suprema.
Pangunahing Halalan
Sa pagsampa ng reklamo, ang Korte Suprema ay maglalabas ng patawag na nangangailangan na ang nasasakdal ay tumugon hindi lalampas sa 4:30 pm ng ikalimang araw pagkatapos ihatid ang reklamo.
Ang Korte Suprema ay maglalabas ng paghatol ganap na nagsasaad lahat ng natuklasan ng katotohanan at ng batas ay hindi lalampas ng 4:30 pm sa ikaapat na araw pagkatapos ng pagbabalik ng patawag. Kasama dito ang determinasyon na kung saan ang kandidato ay hinirang na makita sa balota ng pangkalahatang eleksyon o king sino ang ganap na nahalal, depende sa opisina.
Pangkalahatang Halalan
Sa paghahain ng reklamo, ang Korte Suprema ay maglalabas ng patawag na nangangailangan na ang mga nasasakdal ay tumugon hindi lalampas ng 4:30 pm sa ikasampung araw pagkatapos ihatid ang reklamo.
Hindi katulad ng pangunahing eleksyon, walang ayon sa batas na deadline para sa Korte Suprema na maglabas ng hatol. Kapag inisyu, ang paghatol ay alinman kandidato o mga kandidato ay inihalal, o maaari itong magpasya na ang eleksyon ay hindi wasto. Kung ang eleksyon ay itinuturing na hindi wasto, ang eleksyon ay gaganapin sa loob ng 120 araw ng paghatol.
Para sa kumpletong impormasyon, pakiusap na sumangguni sa (HRS §445-112). (HRS §445-112).